It’s Showtime November 2, 2024 | Full Episode - Video

24 Views
Today ay ika-2 ng Nobyembre pero sa puso ng ‘Showtime’ family, number 1 kayo, syempre! Bakasyon mode on ka man ngayon o kakayod pa rin sa maghapon, It’s Showtime na ang magsisilbi mong fun companion.

Balikan muna natin ang kahapon sa isang espesyal na pagtatanghal ng “Tabing Ilog The Musical” cast. Itaas ang kamay kung isa ka sa mga tito o tita na sumubaybay sa youth-oriented series na ‘to. Ang minahal na “Tabing Ilog” ay bibigyan ng bagong-bihis bilang isang musical featuring some of our favorite Kapamilya stars, tulad nina BGYO Akira, Sheena Belarmino, Anji Salvacion, at Vivoree.

Mesmerized ang Showtime family sa grupo ng mga young artists na ito dahil hindi lang sila mahusay mag-perform kundi magaling pang sumagot at matalino. Join na sa kwentuhan nilang nakamamangha at for sure ikaw rin ay hahanga!

Hindi ka namamalikmata! Narito na ang mga kamukha ng mga sikat na artista, handang maghasik ng good vibes sa “Kalokalike Face 4.”

Pagsali n’ya ay hindi man masyadong pinaghandaan, biro nga ni Vice Ganda, yellow jacket lang ang puhunan, pero winner pa rin si Roderick Paulate kalokalike sa paningin ng mga hurado.

Samantala, si contestant number 2, ginalingan sa pagre-review bilang Kelly Clarkson. Kausapin mo siya at tanungin ng kahit ano tungkol sa American Idol winner, aba, swak na swak ang mga answers. Swak din ba pagdating sa face card check?

Ang anak ni Mr. Pure Energy, nasa ‘Showtime’ today! Gab Valenciano sa mukha pati sa pananalita! Sukatin natin ang kan’yang galing sa dancing! Si Ogie Alcasid, mukhang nawili sa back-to-back showdown with Roderick at Gab. Pwede na siyang tawagin bilang ‘Grabe Valenciano’ dahil energy n’ya ay ‘grabe’ para si Tito Gary!

Ngayong All-Souls’ Day, all-out din ang performances ng mga estudyanteng sumabak sa preliminary examination ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Nagbabalik upang muling angkinin ang golden mikropono ang pambato ng Cebu Technological University na si Patricia Capon, na bumirit ng “I Am Changing” ni Jennifer Hudson.

Mula sa Cavite State University, isang heartfelt song ang hatid ni Kian Joy Guarin na umawit ng “241” ng Rivermaya. Parang yakap kung humaplos ang tinig ni Ceray Olaco ng University of Science and Technology of Southern Philippines na umawit ng “Yakap.”

Muling nagpamalas ng galing ang bet ng Batuan Colleges Incorporated, si Vince Tiongson, na bumirit ng “Paano Kita Mapasasalamatan” sa entablado.

Lahat ay pasado. Pero ang Top 1 sa araw na ‘to ay si Patricia ng CTU. Siya ang aabante sa susunod na Midterms round o semi-finals.


#ShowtimeAllHappy
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment
Category
Fap tribute Fap challenge TikTok Fap Challenge OnlyFans Fap Challenge
Tags
ABS-CBN Entertainment, Entertainment Daytime, Series:ItsShowtime
Commenting disabled.