Erick, tinayaan ang POT question para sa asawang may sakit | It's Showtime | December 19, 2025 - Video

14 Views
Dahil heto na ang Pasko, na pinapa-excite tayo masyado, ramdam na ramdam ang malamig na simoy ng hangin. Pero ang cold Christmas air, biglang uminit sa pagdating ni Cianne Dominguez, ang sexy babe ng "It's Showtime."

Ang mga pasaway at hindi marunong sumunod sa rules, takot sa mga muscles nilang naglalakihan. Sila ang mga bouncers/marshals/event security personnel. Pero sana ma-secure rin nila ang swerte sa "Laro Laro Pick" game arena. Pero, teka, ang kuwentuhan, nauwi sa aktingan! Kung si Vice Ganda ang magpapanggap na pasaway customer sa isang bar, paano haharapin ni bouncer Chris ang sitwasyon?

Pagkatapos ng apat na elimination rounds, ang masuwerteng umabante sa final game ay si Erick, bouncer from Taytay, Rizal. Ikinuwento niya ang matinding pinagdadaanan nila ng kanyang misis, na may bukol sa utak. Pero sa kabila raw ng sakit ay tuloy pa rin sa pagtatrabaho ang asawa upang tulungan siyang itaguyod ang tatlong anak nila.

Kaya naman inilaban ni Erick ang POT for his family. Kinabahan ang madlang people pati na ang mga kasamahan niyang bouncers/security officers sa studio, dahil ang P300k POT question ay may kinalaman sa boksing, na isa sa kanyang mga hilig.

Mukhang confident din naman siya nang sagutin ang tanong tungkol sa division kung saan nanalo si 'The Filipino Flash' Nonito Donaire. Pero mukhang may ibang plano ang tadhana.

Bago ang labanan sa “TNT Duets 2,” joke time muna with Ion Perez, na nagbantay ng gong for today's video. Pabirong nagtampo si Ryan Bang! "Kuya Ogie [Alcasid], ang sama ng ugali mo," sabi niya nang mapansing tawang-tawa si Ogie sa joke ng 'Daddy' Ion niya.

Samantala, sa entablado'y unang sumalang ang pares nina Eduardo De Leon at Cassie Casimiro, na inawit ang "Last Night of the World." Pinuri ni hurado Jonathan Manalo ang mala-musical na tunog ni Cassie, na sa sobrang linis ng pagkanta ay akala niya lip sync lang ang lahat. Dagdag na komento ni hurado JM Yosures, maayos ang performance pero he was "not sure if that was enough" para manalo sa kompetisyon.

Inulan naman papuri ang performance nina Ian Manibale at Jezza Quiogue na nag-ala KZ Tandingan at TJ Monterde sa pagkanta ng "Palagi." "Feeling ko nga hindi kayo contestant, para kayong mag-jowa, eh. Naramdaman ko 'yung love. It was really nice,"

sabi ni Maestro Louie Ocampo. Dagdag niya, "technically challenging" ang piyesa para kay Jezza, pero hindi na niya ito pinansin dahil sa "closeness" ng dalawa.

Para naman kay hurado JM, naramdaman niya ang kaba "pero ito 'yung nerves na parang ikinakasal." Ginamit niya ang salitang "vulnerability" para ilarawan ang awkwardness sa pagitan ng dalawa, na parang mas nagbigay pa nga raw ng magic sa buong performance.

Sa huli, itinanghal na daily winner ang 'Jezian' tandem sa score na 95.3% laban sa 91% na nakuha ng duo nina Eduardo at Cassie.
Category
Fap tribute Fap challenge TikTok Fap Challenge OnlyFans Fap Challenge
Tags
ABS-CBN Entertainment, Entertainment, ItsShowtime
Commenting disabled.